Pinaghihinalaang tulak ng marijuana at shabu, arestado ng mga otoridad sa Narra

Ang ebidensyang nakuha sa suspek. Photo courtesy of Spark Sase

Isang pinaghihinalaang tulak ng marijuana ang natimbog ng mga otoridad ganap ng 4:30PM Linggo sa Lavista Road, Barangay Antipuluan, Narra, Palawan.

Ayon sa spot report mula sa PNP, kinilala ang suspek bilang si June Mario Estoquias, 24 anyos, pump attendant sa isang gasolinahan at residente ng Barangay Antipuluan ng nasabing bayan.

Isang buybust operation ang ikinasa ng mga operatiba nang Palawan Drug Enforcement Unit (PDEU) at otoridad ng Narra Police Station sa pangunguna ni PMAJ Romerico Remo laban sa suspek.

Sa nasabing buybust, isang asset mula sa pwersa ng mga otoridad ang nagsilbing poseur-buyer na siya namang pinagbentahan nang suspek ng isang plastic sachet na may lamang tuyong dahon ng pinaghihinalaang marijuana.

Matapos ang matagumpay na bentahan, agad na inaresto ang suspek na nahulihan din ng anim na “joint” ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, isang unit ng cellphone, P500 buybust money at motorsiklo na gamit din ng suspek. Bukod dito, narekober din mula sa suspek ang isang sachet ng hinihilaang shabu.

Isang kaso mula sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang maaring kaharapin ng suspek na sa mga oras na ito ay hawak na ng mga otoridad.

Samantala, ito na ang ikatlong matagumpay na operasyon ng mga otoridad  sa Narra sa buwan na ito at inaasahang bago matapos ang taon ay may mga susunod pa.

Exit mobile version