Pinaniniwalaang pusher sa Taytay, arestado

Nahuli sa ginawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng Taytay Municipal Police Station ang sinasabing pusher na kinilalang si Marco Ruego, 30-anyos, mangingisda at residente ng Barangay Liminangcong sa bayan ng Taytay.

Ayon sa ulat ng awtoridad, Marso 18, pasado 4:00 PM, naaresto si Ruego sa ikinasang drug operation sa Barangay Liminangcong. Nabilhan ito ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Habang kinakapkapan ang suspek nakuhaan pa ito ng dalawang pakete ng shabu, at P2,000 buy-bust money.

Sinampahan na ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Ruego.

Exit mobile version