Reassignment ng ilang opisyal ng PNP, ipinatupad ngayong araw

Photo Credits to PNP

Ilang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang naging sentro ng balasahan ngayong araw, Disyembre 19.

 

Batay sa kaatasan ng pamunuan ng Philippine National Police, inilipat ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. si Police Brigadier General Roderick Alba sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) mula sa Police Regional Office (PRO) 7 o Central Visayas.

 

Samantalang si Police Brigadier General Alexander Tagum ay mapupunta sa PRO 11 o Davao Region mula DHRDD.

 

Habang itinalaga si Police Brigadier General Jerry Bearis sa PRO 7 mula sa PRO 3 o Central Luzon.

 

Walang opisyal na pahayag si General Azurin hinggil sa dahilan kung bakit nagkaroon ng balasahan.

 

Exit mobile version