Pulis sa Puerto Princesa, pumanaw matapos maaksidente sa Motorsiklo

Isang pulis na kinilalang si alyas “Jeric” ang pumanaw matapos maaksidente ang kanyang minamanehong motorsiklo at bumangga sa isang truck sa Barangay Inagawan-Sub, Puerto Princesa City noong Sabado, Hunyo 8.

Kinumpirma ng Puerto Princesa City Police Office ang malungkot na balita.

Si Jeric, na nakatalaga sa Puerto Princesa City Police Station 5 at residente ng Barangay Dumangeña, Narra, Palawan, ay pauwi sana sa bayan ng Narra nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa ulat, dumulas ang gulong ng kanyang motorsiklo sa isang kurbada, dahilan upang mag-overshoot ito at bumangga sa kasalubong na truck.
Dahil sa insidente, nagtamo si Jeric ng malubhang pinsala sa ulo at katawan. Agad siyang isinugod sa Aborlan Medicare Hospital ngunit sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor, binawian siya ng buhay.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Puerto Princesa City Police Office sa naiwang pamilya ni Jeric sa kanilang opisyal na pahayag.

“This heartbreaking loss reminds us of the dangers we face every day, both on and off duty. Rest in peace, Pat Jeric. Your service and sacrifice will forever be remembered,” ayon sa kanilang post.

Exit mobile version