Dating miyembro ng CTG, sumuko bitbit ang baril sa MIMAROPA Police

Photos by PNP Mimaropa

Bulontaryong sumuko sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB 4B) ang isang 52 anyos na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) Bienvenido Vallever Command nitong June 29.

Dala ni Ka Dindo ang baril nito sa pagsuko. Nagsimula itong maging miyembro ng kilusan noong 1985 ng SUP sa ilalim ng pamumuno ni Lucio De Guzman, at kalaunan ay pinadala sa Palawan para maging kasapi ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa ilalim ng Bienvenido Vallever Command.

Nasa pangangalaga na ngayon ng RMFB 4B si Ka Dindo at isasailalim sa debriefing para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Sa datos ng Police Regional Office MIMAROPA, NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict), mayroon ng 83 na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang sumuko simula noong January 1 hanggang June 29.

Exit mobile version