Suspek, arestado dahil sa dalang baril at illegal na sandata

Ang pagpapatupad ng search warrant na na nilagdaan ni Hon. Judge Ana Leah Tiongson Mendoza, ay humantong sa pagka-aresto sa suspek na kilalang si Fernando Velasco Carullo Jr, 67-anyos at naninirahan sa Barangay Buena Suerte, El Nido, Palawan.

Ayon sa awtoridad, ang suspek ay isang retiradong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at nag-aangking itinalaga ang sarili bilang alkalde para sa pederalismo, ay humaharap sa mga reklamo ng mga opisyal ng barangay at mga residente sa lugar dahil sa pagdadala ng baril.

Matagumpay na naglaan ng suporta ang Naval Forces West sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng joint operation para sa pag-aresto sa suspek kasama na rin ang PIU, PALPPO, El Nido MPS, 2nd PAL PMFC, PIDMU, PALPPO, at RMFB4B sa Barangay Buena Suerte, El Nido, Palawan noong nagdaang Biyernes, Hunyo 30.

Samantala, nasa pangangalaga ng Palawan PPO ang suspek at siya ay haharap sa mga kaso ng paglabag sa RA 10591 na kilala bilang ilegal na pagmamay-ari ng mga armas.
Exit mobile version