Suspek sa kasong rape sa Bayan ng Roxas, nadakip

Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang wanted person na may kinakaharap na kasong paggagahasa sa Bayan ng Roxas.

Ang naarestong indibidwal ay isang 40 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. New Cuyo ng nabanggit na munisipyo.

Dinakip ang nasabing indibidwal ng mga kawani ng Roxas MPS dakong 9:23 am kahapon, August 23, 2020, sa Brgy. New Cuyo, Roxas, Palawan sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Paul B. Jagmis, Jr. ng RTC Br. 95 (Roxas) na may petsang July 7, 2020.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Roxas MPS ang nasabing suspek at nakatakdang presenta sa issuing court para sa proper disposition.

Exit mobile version