Suspek sa pagnanakaw ng bag sa likod ng Robinsons Palawan, kalaboso na

Kalaboso na noong Biyernes, ika-4 ng Pebrero sa piitan ng Police Station 1 ng Puerto Princesa ang suspek sa pagnanakaw ng bag sa likod ng Robinsons Palawan.

Ang suspek ay kinilalang si Abraham Atienza Fortaliza at residente ng Sitio Bucana, Barangay Matahimik ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa awtoridad, dalawang serye ng pagnanakaw ang magkasunod na naganap na nakapang-biktima ng dalawang car-wash shops.

Ang nasabing suspek din umano ang siyang may-ari ng motor at siya din ang nakuha ng CCTV na nagmamaneho kaya agad itong nakilala ng PNP.

Kaugnay nito ay sinampahan na ng kasong pagnanakaw ng pulisya ang suspek.

Exit mobile version