Wanted person, arestado sa Aborlan, Palawan

Arestado ng mga awtoridad ang suspek na si Freddie Antonio Esteban a.k.a “Tabong”, 41-anyos, manggagawa, at naninirahan sa Barangay Plaridel, Aborlan, Palawan nitong Hunyo 11.
Ang pagkaka-aresto ay nagmula sa pamamagitan ng mga tauhan ng Narra MPS sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Mayo 25, 2023, na inisyu ni Angelo Ramirez Arizala, Punong Hukom ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 52, Puerto Princesa City Palawan para sa Paglabag sa PD 533 (The Anti-Cattle Rustling law of 1974), na dalawang kaso.
May inirerekomendang piyansa para sa suspek sa halagang P180,000.00 bawat kaso. Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Narra MPS para sa tamang pagkilos.
Exit mobile version