Wanted person sa Coron, nadakip na ng mga awtoridad

Tuluyan nang napasakamay ng mga awtoridad ang isang negosyanteng wanted person sa Bayan ng Coron bandang 9 am kahapon.

Kinilala ang suspek na si Marciano Sena Josol Jr., 54 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion 1, Coron, Palawan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Lovelle Moana R. Hitosis, presiding judge ng MCTC Coron-Busuanga na may petsang Hunyo 18, 2020, inaresto ang naturang indibidwal ng mga tauhan ng Coron Municipal Police Station (MPS) sa Sitio Mabentangen, Brgy. Poblacion 6, Coron, Palawan.

Dinakip ang suspek para sa krimeng “Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property” at may inirekomendang piyansa na aabot sa P30,000 sa kada isa para sa pansamantala nilang kalayaan.

Sa kasalukyan, nasa kustodiya na ng Coron MPS ang nasabing indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.

Exit mobile version