Simula bata pa lang ay kilala na bilang isang mahusay na atleta sa iba’t ibang larangan ng sports sa lalawigan ng Palawan at naging laman ng balita dahil sa pagbitbit ng bandera ng Pilipinas patungo sa South East Asia na kompetisyon.
Si Christian Albert Sabando Miguel, mas kilala bilang “Crite,” ay ang pinakabatang tatakbo mula sa Koalisyong Samahang Lakas ng Sambayanang Palawenyo (LSP) na pinamumunuan ng Gobernador ng Palawan na si Gov. Victorino Dennis M. Socrates.
Nakilala si Crite dahil sa kaniyang tagumpay sa larangan ng sports kung saan siya ay nagkamit ng iba’t ibang parangal sa lokal at internasyonal na antas ng kompetisyon. Kabilang dito ang pagsali niya sa UST Tiger Swimming Team noong 2009 hanggang 2010, kung saan siya ay napabilang sa ilang mahahalagang kompetisyon sa bansa.
Ano nga aba ang nagtulak sa kaniya na tumakbo bilang Board Member sa unang distrito ng Palawan?
“Naniniwala ako na marami na akong pwedeng iambag sa Palawan at handa na po akong magserbisyo para sa Palaweño,” saad niya.
Isa sa kanyang mga hinawakang programa ng Pamahalaan ay ang SPS Governor’s Cup na isang sports development program na nagbibigay sa mga kabataan ng pagkakataong mag-explore ng iba’t ibang sports at mapaunlad ang kanilang talento. Naging Program Head din si Crite ng SPS Caravan na layong tulongan ang mamamayang Palaweño sa pamamagitan nang paghahatid ng serbisyong medikal at dental, suporta sa agrikultura, trabaho, at kabuhayan sa ating komunidad.
Ang kanyang pagnanais na tumakbo bilang Board Member ay nagdulot ng malaking interes at suporta mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan at kilalang mga pangalan sa mundo ng politika sa Palawan. Maraming tagasuporta at mga lider ng komunidad ang nagsabi na ang kanyang background bilang isang atleta ay nagbigay sa kanya ng natatanging pananaw at determinasyon na kailangan sa pamumuno.