ALAMIN: Palawan Task Force ELCAC at tungkulin nito sa bayan

Palawan Task Force-ELCAC

Sa mahigit limampung taong problema ng bansa ang insurhensiya, at para malabanan ito, itinatag ang Palawan Task Force-ELCAC. Hangad na maibuklod ang ibat ibang mga ahensya ng pamahalaan sa isang layunin na sama samang wakasan ang mga ugat ng problema sa komunidad na ginagamit ng mga NPA sa panghihikayat ng magiging miyembro. Layon din nitong palawigin ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad upang hindi malinlang sa mga pekeng pangako at maling ideolohiya.

Inilunsad ang Palawan Task Force ELCAC (Ending Local Communist Arm Conflict) sa Palawan noong oktubre taong 2019, alinsunod sa kautusan mula kay pangulong Rodrigo R. Duterte na nilagdaan noong ika-4 ng Disyembre taong 2018 ang EXECUTIVE ORDER NO. 70 “INSTITUTIONALIZING THE WHOLE-OF-NATION APPROACH IN ATTAINING INCLUSIVE AND SUSTAINABLE PEACE, CREATING A NATIONAL TASK FORCE TO END LOCAL COMMUNIST ARM CONFLICT, AND DIRECTING THE ADOPTION OF A NATIONAL PEACE FRAMEWORK”
Sa Palawan ang naitalagang Chairman ay si Governor Jose Ch. Alvarez katuwang ang Western Command at tumatayong secretariat ang Department of Interior and local Government o DILG. Ito ay binubuo ng 12 Cluster na may magkakaibang gampanin kung saan ang mga miyembro ay ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan.

Layunin na mawakasan ang insurhensiya na halos 52 taon ng problema ng bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat ahensya at ng mga mamamayan sa komunidad. Sa dalawang taon ng Palawan Task Force ELCAC ay marami ng naitalang accomplishment ang mga programa nito.

Umaabot na sa 167 Former Rebels ang napaabutan na ng mga tulong pinansyal mula sa Pamahalaan, Umaabot ng 25,000 pesos ang nagmula sa Provincial Government ng Palawan sa Programa g LSIP o Local Social Pension Integration Program at 65,000 Pesos naman mula sa E-CLIP ng DILG o Enhance Comprehensive Local Integration Program.

Sa pangunguna naman ng PSWDO o Provincial Social Welfare and Development Office ay nakapagbigay na rin ng Housing Assistance, Philhealth Enrollment , Medical Assistance, Skills Training at iba pang mga ayuda mula sa pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay. Nais ng Palawan Task Force ELCAC ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon sa kinaroroonan ng mga NPA.

Panawagan naman nito ang kusang loob na pagsuko ng mga rebeldeng grupo na hanggang sa ngayon ay hindi pa nagbabalik loob sa pamahalaan.

kung mayroon kayong impormasyon tungkol sa mga CPP-NPA-NDF, mga sumusuporta at kinaroronan ng mga ito ay mangyaring makipagugnayan sa numero bilang 0945-509-9433 at magiwan ng mensahe sa Palawan Task Force ELCAC facebook page.(P.R)

Exit mobile version