Table Tennis National Tournament, kasado na sa Puerto princesa ngayong Pebrero

Gaganapin sa lungsod ng Puerto Princesa ang National Tournament ng Table Tennis ngayong Pebrero 22 hanggang 26 kung saan inaasahan na mahigit isandaang manlalaro ang lalahok sa kompetisyon. Inihahanda na ang Indoor Game Facility sa Balayong People’s Park sa pangunguna ng City Sports Office para masiguro na magiging maayos ang pagdadausan ng palaro.

 

Ayon kay Atty. Rocky Austria, ang City Sports Director ng pamahalaang panlungsod, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng kanilang opisina katuwang ang City Engineering Office. “Handang-handa na tayo bagaman biglaan ito ay siniguro natin na hindi natin mabibigo ang magandang expectation ng mga manlalaro ng Table Tennis lalo pa na they are eyeing Puerto Princesa na pagdausan ng malalaki pang event ng ganitong sports”, ayon kay Austria.

 

Nakakuha rin ng suporta mula sa Palawan State University ang pamahalaang panlungsod na nagkaloob ng kanilang dormitory para maging billeting venue o pansamantalang matutuluyan ng ilang mga manlalaro.

 

Sa pahayag naman ni Francis Nemenzo, ang kasalukuyang Presidente ng Region IV-B ng Philippine Table Tennis Federation Incorporated, malaki ang potensiyal ng lungsod na mapili na pagdausan ng malalaking event ng larong pingpong o table tennis dahil kumpleto ang mga kagamitan at maayos ang pasilidad dito.

 

Ayon kay Nemenzo, “When I was in Batang Pinoy napag-usapan na ito kaya naisip ka na mayroon tayong bagong indoor game facility sa Puerto Princesa at pinropose ko. Noong binisita nila dito positive ang feedback nila kaya ito ang kanilang pinili para sa national tournament. We are expecting na maliban sa mga players na sasali ay marami ang dadagsa kasama nila para mapanood ang laro at mabisita ang lungsod.”

 

Mayroon na ring tatlong napiling representante ang siyudad para sa kompetisyon at inaasahan na magpapakitang gilas rin ang mga ito para manalo. Magigign representante ng bansang Pilipinas sa Southeast Asian Games (SEAGAMES) ang mga mananalo sa national tournament.

 

Panoorin ang buong panayam kay Atty. Rocky Austria, Puerto Princesa City Sports Director at Francis Nemenzo, Region-IV B President, Philippine Table Tennis Federation Inc.

Exit mobile version