Tag-init

PDN file

Heat wave, o ang abnormal na pagtaas ng temperatura na maaring mag tagal ng ilang araw, madalas itong mangyari sa mga lugar at bansa na malapit sa mga karagatan lalo na sa mga bansang tropikal.

Ang pinaka mataas na temperaturang naitala sa Pilipinas ay nangyari sa Tuguegarao, Cagayan Valley, noong 22 ng Abril 1912 at noong 11 ng Mayo 1969, ang nasabing tala ay umabot ng 42.2 Degree Celsius.

Hindi na rin bago lalo na sa mga Pilipino ang ganitong pag-init ng panahon, lalo na sa pag pasok ng Tag-Init, sinasamantala ng karamihan ang pagpasyal sa mga ibat ibang lugar gaya na lang ng tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas ang Baguio City, na kilala dahil sa lamig nito, di parin mawawala sa kabila ng sobrang init ng panahon ang mga Beach goers, at dahil isang bansang tropikal ang Pilipinas mas kilala ito sa kanyang mga sikat na Beach gaya na lamang ng Boracay sa Aklan, ang Surfing Capital na Siargao at hindi mawawala nag El Nido ng Palawan, na kung saan dagsaan ang ibat-ibang turista na galing sa loob at labas ng bansa.

Ngunit patuloy parin ang ating paala para sa lahat na bagamat hindi masama ang mag bakasyon at mag unwind kasama ng mga kaibigan at mahal sa buhay, ay hwag paring kakaligtaan ang pag iingat dahil hindi biro ang mga maaring mangyari dulot ng mainit ng panahon. Nitong mga nakaraan lamang ay dumarami ang mga kaso ng kapabayaan sa mga Kabataan at maging mga hayop na naiiwan sa mga kulob na sasakyan na humantong sa pagkawala ng buhay.

Ano ano nga ba ang mga maaring idulot ng Heat Wave?

Mga pagkakasakit na dala ng mainit na panahon, nariyan ang pag-mamanhid, pamumulikat, matinding pagka hapo at pagod at ang kinatatakutan at iniiwasan ng karamihan na Heat-Stroke, na kapag hindi nalunasan ng agaran ay maaring mag resulta sa pagkaparalisa at kamatayan, lalo na sa mga katandaan na mahihina na ang mga pangangatawan at maging sa mga kabataan pa man.

Hindi lamang mga tao at hayop ang napeperwisyo ng sobrang pag init ng panahon, maraming mga taniman at produktong pang agrikultura ang nasasayang lamang, mga pananim na nangamamatay sa sobrang init, pagkatuyo ng lupa gawa ng El Niño na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dahilan din ang pag init ng panahon sa mga pag guho ng mga kalupaan at pagkasira ng mga makinarya at imprastraktura, na kadalasan ay kailangan pa nating angkatin sa ibang mga bansa, dahilan sa pagbaba ng Value ng ating pera at paghina ng ating ekonomiya.

Laganap din ang kakulangan sa supply ng Malinis na tubig lalo na sa mga payak at mahihirap na lugar, dahil dito nanganganib hindi lamang ang pupulasyon ng mga tao maging ang ating kapaligiran, mga kabundukan, kagubatan at maging karagatan na pangunahing ikinabubuhay ng mga kababayan nating katutubo.

Sa kabuuan hindi natin pwedeng ipagsawalang bahala ang matindi at abnormal na pag init ng panahon, kailangan nating magsagawa ng mga plano at preventive measures upang mapanatili ang kaligtasan hindi lamang ng ating mga sarili kundi maging para sa ating mga ikinabubuhay at kalikasan, ating tulungan ang ating pamayanan at mga sangay ng gobyerno sap pag preserba at pagpapanatili ng mga ito para sa ating katiwasayan at pagsulong ng ating bansa.

Exit mobile version