10 ambulansya, ipinagkaloob sa mga ospital sa Palawan

Ipinamahagi na ng Pamahalaang Panlalawigan ang sampung ambulansya para sa mga ospital sa buong lalawigan ng Palawan kasama ang mga medical equipment tulad ng Automatic External Defibrillator (AED) with Defibrillator pads, Oxygen Tanks, Oxygen Tank Regulator, Wall Mounted BP Apparatus, Manual Resuscitators, Minor Surgical Kits at First Aid Kits.

Tinatayang umabot sa mahigit P20 million ang kabuuang pondo na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan para dito.

Ayon kay Dr. Arlin Josue, ang Chief of Hospital ng Narra Municipal Hospital, malaki ang maitutulong ng mga ambulansya at kagamitang ito hindi lang sa kanila bagkus maging sa lahat ng munisipyo na makakatanggap nito.

“Very need talaga natin yan especially ngayong COVID pandemic..In case na ma-turn over na itong ambulance na may AED, hindi na tayo mahihirapan mag cater ng mga pasyente… Kaya ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami kay Gov. Alvarez at sa Provincial Government, “ ani Dr. Josue.

Samantala, ang mga ospital na nabigyan ng mga bagong ambulansya ay ang Araceli/Dumaran, District Hospital, Narra Municipal Hospital, Southern Palawan Provincial Hospital, Roxas Medicare Hospital, Dr. Jose Rizal District Hospital, Quezon Medicare Hospital, Northern Palawan Provincial Hospital, Cuyo District Hospital, Coron District Hospital at San Vicente District Hospital

Exit mobile version