4 nasawi, 6 sugatan sa aksidente sa barangay Santa Lucia

Apat ang kumpirmadong nasawi at anim ang sugatan matapos mag self-crash ang isang pampasaherong van sa kahabaan ng National Highway bahagi ng Barangay Santa Lucia, lungsod ng Puerto Princesa eksaktong 7:45AM ngayong araw ng Linggo, Abril 30.

Ayon sa spot report mula sa mga awtoridad, kinilala ang driver bilang si Joezer Coleta Lontes, 39-anyos, at residente ng Wescom Road, Barangay San Miguel, lungsod ng Puerto Princesa.

Samantala, kinilala ang anim na mga sugatan bilang sina;

Maylene G. Villarosa, 38-anyos, residente ng Barangay Isaob, Aborlan, Palawan

Elizabeth V. Blanca, 27-anyos, residente ng Barangay Iraan, Rizal, Palawan
Glynne G. Delos Santos, 20-anyos, residente ng Barangay Liwanag, PPC
Gay G. Delos Santos, 25-anyos, residente ng Barangay Liwanag, PPC
Chita A. Loresto, 62-anyos, residente ng Barangay Ipilan, Narra, Palawan
Abegail D. Caserta, 24-anyos, residente ng PPC

Ayon sa mga awtoridad, ang apat na nasawi ay kinikilala pa sa mga oras na ito.

Anya, binabagtas umano ng pampasaherong van ang kahabaan ng National Highway ng Barangay Santa Lucia, papunta sana ng lungsod mula Quezon, Palawan ng nawalan ng kontrol sa manibela ang driver, dala ng matinding lakas ng ulan at dulas ng kalsada. Dahil rito ay bumangga ang pampasaherong van sa isang puno sa may bandang kurbada ng naturang kalsada.

Dala ng aksidente, nagtamo ng matitinding sugat sa katawan ang anim na pasaherong nabanggit na agad namang dinala sa Luzviminda Satellite Clinic, habang ang apat na iba pang pasahero ay agad namang nasawi.

Ang kanilang mga bangkay ay naihatid na sa Heavens Gate Funeral, Pineda Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa para makilala ng kanilang mga pamilya.

Ang naturang van naman ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP.

Exit mobile version