Ama, pinatay ng sariling anak sa Roxas

Photo from Palawan Provincial Police Office

Patay sa taga ang isang 64 anyos na lalaki sa Purok 2, Barangay Minara, Roxas, Palawan, noong Setyembre 13, bandang 3:00 ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Roger Ramonga Dahil, karpintero, at residente ng Barangay Minara, Roxas, habang ang kanyang anak na pumayay sa kanya ay si Raulson Aiso Dahil, 38 anyos, mangingisda, at residente rin ng nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang kanyang asawa, at sinubukan ng suspek na magpatahimik sa kanila ngunit nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan nila na nag-udyok sa suspek na kunin ang kanyang bolo at banatan ang kanyang ama. Bilang resulta, tinamaan ng banat ang kanyang ama sa dibdib na nauwi sa kanyang maagang pagkamatay.
Samantala ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Roxas MPS, at ang bolo na ginamit ng suspek na may habang humigit-kumulang na 58 cm kasama ang hawakan ay nakuha rin mula sa lugar ng krimen.
Exit mobile version