Angkas, bawal pa rin sa Narra

Taliwas sa paniniwala ng karamihan ng kababayan sa Narra, Palawan. Inanunsiyo ni Mayor Gerandy Danao sa pamamagitan ng Executive Order 081 na ipinagbabawal pa rin ang pag-angkas sa motorsiklo sa anomang parte ng munisipyo kaugnay sa paglaban kontra COVID-19 sa nasabing bayan.

Sa bagong gudelines na pirmado ng alkalde ng bayan na siya ring inilabas ng DILG Narra sa kanilang facebook page kaugnay sa estado ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), nilinaw ng ordinansa na ang pag-angkas ay mahigpit pa ring ipinagbabawal kasabay ng iba pang mas pinahigpit na panuntonan kagaya nang palagiang pagsuot ng facemask lalo’t lalabas ng tahanan. Ang sinomang lalabag sa at mahuhuling hindi sumusunod sa pagsuot ng face mask ay paparuhasan ng tatlong oras na community service sa kanilang barangay na kinasasakupan.

Para naman sa mga menor-de edad na mahuhuling hindi naka-face mask, ang kanilang mga guardian o magulang ang siyang gagawa ng community service at maaring sumailalim sa isang oras na counciling na siya namang pamumunuan ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).

Kasabay din nito, ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga kababayang senior edad 60 pataas at kabataang nasa edad 21 pababa. Ang sinomang kabataan nasa edad 21 pababa na kina-kailangang pumasok sa trabaho ay marapat na magpakita ng ID o anomang patunay muka sa kanyang pinapasokang trabaho upang patunayan na siya ay isang lehitimong empleyado ng kumpanya o opisina.

Ang sinomang drayber o pasahero na mahuhuling lalabag sa panuntunan ng “No Back Riding Policy” ay parehong parurusahan ng tatlong oras. Ang sinomang tatanggi at hindi magsisilbi ng karampatang tatlong oras na community service sa loob ng isang linggo ay maari namang sampahan ng mga awtoridad ng kaukulang kaso.

Katulad pa rin sa dating inilabas na executkve order, susundin  pa rin ng mga residente ng bayan ang schedule ng pamamalengke bawat araw.

Ang mga barangay ng Panacan 2 at Ipilan ay maari at pinapayagang mamalengke tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes samantala ang mga barangay naman ng Poblacion, Dumangueña ay nakatakda sa araw ng Huwebes at Sabado.

Ang mga Returning Overseas Filipino (ROF) at Locally Stranded Individual na uuwi sa nasabing munisipyo ay marapat at agarang isasailalim sa 14 day facility quarantine upang masigurado na ang mga ito ay mamomonitor ng IATF.

Samantala, mahigpit pa rin ipinatutupad sa buong bayan ang curfew time na 10PM hanggang 5AM.

Sa huli, ipina-aalala ng Narra IATF na maging alerto ang bawat mamamayan at wag maging kampante sapagkat patuloy pa rin umano ang laban ng buong bayan kontra sa pandemya.

Exit mobile version