Pagkakaroon ng Landbank ATM Machine sa Southern Palawan, isinusulong ni BM Ibba

Phot Crediits to Sangguniang Panlalawigan Palawan.

Nagkakaisang inaprubahan ng Sangguniang Panglalawigan ng Palawan sa unang pagbasa ang panukalang resulosyon ni Board Member Al-Nashier Ibba na humihiling sa pamunuan ng Land Bank of the Philippines na maglagay ng mga ATM machine sa bayan ng Narra, Sofronio Española, Bataraza, Quezon at Rizal, Palawan.

Ang resolusyon na may titulong “Enjoining Landbank of the Philippines to place at least 1 ATM in Narra, Sofronio, Española, Bataraza, Balabac, Quezon, and Rizal Province of Palawan”.

Nilalayon ng naturang resolusyon ni BM Ibba ang maibsan ang hirap sa pagbiyahe ng mga residente mula sa Soputhern Palawan at pumunta Brooke’s Point upang makapag-withdraw ng salapi mula sa Land Bank Brooke’s Point branch nito.

“Sa Southern Palawan po kasi ay meron lang isang branch ng Landbank kung saan ito ay nasa bayan ng Brooke’s Point, so ang kini-cater po nito ay ang bayan ng Bataraza, Espanola, at ang Balabac. Napapansin ko lalo na ngayon, meron tayong protocol ang pila po ay umaabot na sa labas ang mga tao so kailangan ng magtayo din. E-consider din ng Landbank kasi dumadami na yung mga tao,” saad ni BM Ibba.

Ayon pa kay BM Ibba,marapat na isaalang-alang ng Landbank of the Philippines ang mga suweldo ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ay sa Land Bank  din kumukuha, at minsan nagkakaroon ng offline, nauubos ang ATM machine dahil iisa lang ang branch nito sa bahaging Sur.

Inaasahan ni Ibba na mabilis na maaprubahan ang naturang panukalang resolusyuon para na rin sa kapakanan ng mga mamamayang palagiang mayroong transaksyon gamit ang automated teller machine o ATM.

Exit mobile version