Batang swimmer mula sa puerto princesa, si alonzo lukas del moro dela rosa, nag-uwi ng anim na gintong medalya sa 5th asian open schools invitational

Isang batang swimmer mula sa lungsod, si Alonzo Lukas Del Moro Dela Rosa, ang nag-uwi ng anim na gintong medalya, isang pilak, at isang tansong medalya sa 5th Asian Open Schools Invitational na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Pebrero 6-9, 2025.

Siya ay tinanghal na Most Outstanding Swimmer sa kategoryang pitong taong gulang. Ang mga gintong medalya ay mula sa iba’t ibang swimming events tulad ng 50 meters butterfly, backstroke, breaststroke, at freestyle.

GOLD / 5O METER BUTTERFLY
GOLD / 5O METER BACKSTROKE
GOLD/ 5O METER BREASTSTROKE
GOLD / 5O METER FREESTYLE
GOLD / 50 METER FREESTYLE ( PRELIMINARY)
GOLD/ 100 METER FREESTYLE
SILVER / 50 METER FREESTYLE KICKBOARD

AND BRONZE FOR THE 5O METER BUTTERFLY KICKBOARD

Kasama ni Alonzo sa tagumpay ang kanyang kapwa batang swimmer na si Ethan Drake Del Moro Jaurigue, 13 anyos, na nagtagumpay din sa iba’t ibang kategorya. Siya ay nakakuha ng mga pwesto sa 2nd, 5th, 6th, at 8th sa mga swimming events.

2ND PLACE / 200 METER INDIVIDUAL MEDLEY
5TH PLACE / 50 METER BREASTSTROKE
6TH PLACE / 50 METER FREESTYLE
6TH PLACE / 100 METER BREASTSTROKE
8TH PLACE / 100 METER FREESTYLE
5TH PLACE / 200 METER BREASTSTROKE

8TH PLACE / 2OO METER FREESTYLE

Ang kanilang tagumpay ay isang patunay ng tamang pagsasanay, dedikasyon, at pagsusumikap. Ang dalawa ay mga bahagi ng ‘Begin to Swim’ program at Swim League Philippines Warriors delegation. Ang kanilang kahanga-hangang achievements ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga kabataan at atleta sa bansa.

Kinilala ng Sanggunian Panglunsod ang dalawang atleta, at sila ay naging paksa ng privilege speech ni Konsehal Elgin Damasco.

Ang mga batang atleta na sina Alonzo Lukas Del Moro Dela Rosa at Ethan Drake Del Moro Jaurigue ay mga patunay ng tagumpay at potensyal sa larangan ng palakasan, bilang bahagi ng ‘Begin to Swim’ program ni Coach Tinii Cayetano ng Thailand, sa ilalim ng Swim League Philippines Warriors Delegation. Ang kanilang mga tagumpay ay nagpapakita ng kahalagahan ng tamang pagsasanay, suporta, at hindi matitinag na determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap.

Sa umagang ito, nais din naming magbigay ng nararapat na parangal sa dalawang batang ito bilang mga bagong modelo ng sportsmanship para sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng pagpaparangal, nais naming bigyan sila ng pagkakataon na maibahagi ang kanilang mga karanasan at mensahe sa kapwa kabataan at mga atleta ng Pilipinas.
Muling binabati namin sina Alonzo Lukas Del Moro Dela Rosa at Ethan Drake Del Moro Jaurigue. Ipinagmamalaki namin kayo at saludo kami sa inyong tagumpay!
Exit mobile version