Bayan ng Brookes Point, nakahanda na sa gaganaping plebisito bukas March 13, 2021

Photo taken during the Palawan Plebiscite. Photo by Peter John Amilbangsa / PDN File Photo

Magsisilbi bilang Plebiscite Committee bukas sa Broookes Point Central School sina Maam Gina Limos at Maam Careen Lagan.  Ang Broooke’s Point Central School ang pinakamalapit na Polling center sa Municipal Hall ng Brooke’s Point. Handa na umano sila para sa botohan kaugnay ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya.

Bilang miyembro ng Plebiscite Committee, nag-set-up sila ng mga upuan sa kanilang polling precinct. Sila rin ang nagkabit ng mga karatola kung saan nakalista ang gabay sa pagboto at mga paalala para sa Health and Safety Protocols.

Kaugnay ng Health and Safety Protocols, lilimitahan lamang ang mga tao o mga botanteng papasok sa mga silid na pagbobotohan. Limang botante lamang ang pwedeng nasa loob ng bawat presinto. Kasama nila ng tatlong miyembro ng Plebiscite Committee at dalawang watcher para sa magkabilang partido. May isang support staff naman na ilalagay sa labas ng presinto para tumulong sa mga naghihintay sa pila. Maglalaan umano ng labing limang minuto para sa pagboto ng bawat botante.

Nagtalaga rin ng tag-isang Entrance Gate at Exit Gate sa polling area, bawat botante na dadaan sa Entrance ay kinakailangan makapag-fill-out ng kanilang COVID-19 Health Declaration Form at ma-check ang kanilang temperatura. Hindi dapat lalagpas sa 37.4°C ang temperatura para makapasok sa presinto at hindi sumagot ng “YES” sa alinman sa mga katanungang nakapaloob sa COVID-19 Health Declaration Form. Kapag umabot sa 37.5°C o lampas pa ang makuhang temperatura o sumagot ng “YES” sa alinman sa mga katanungang nakapaloob sa COVID-19 Health Declaration Form, ang botante ay dadalhin sa Isolation Polling Place o IPP para makaboto. Nagtalaga din sila ng mga health workers bilang  staff para rito.

Ang Bayan ng Brooke’s Point ay may 39,933 na botante ngayong plebisito.

Brooke’s Point

Total number of Barangays : 18

Total number of Precincts : 285

Total number of Registered Voters : 39,933

Total number of Clustered / Group precincts : 236

Total number of Polling places : 29 

Exit mobile version