Bayan ng Roxas, wala ng aktibong kaso ng COVID-19

Masayang ibinalita ng pinuno ng Municipal Health Unit (MHU) ng Bayan ng Roxas na zero active case na sila sa kanilang munisipyo mula sa Coronavirus disease- 2019 (COVID-19).

Sa datus na ibinahagi ni Roxas Municipal Health Officer, Dr. Leo Salvino ngayong araw, wala na silang aktibong kaso matapos na gumaling na ang pinakahuli sa 14 na indibidwal na nagpositibo kamakailan.

Wala na rin aniya silang probable case sa kasalukuyan at tanging isang suspect na lang ang naitala na nakuna na rin ng specimen at ipadadala ngayong araw sa Ospital ng Palawan upang mapasuri.

“Isa ‘yong suspect, nine months old [na sanggol]. Lahat na confirmed case recovered na at wala ng active case sa ngayon,” ani Dr. Salvino.

Sa kasalukuyan ay mayroong 49 na sumasailaim sa facility quarantine at 49 din sa Home quarantine sa munisipyo ng Roxas.

Exit mobile version