BFP sumailalim sa pagsasanay hinggil sa Chemical, Biological, Radiological Nuclear and Weapons of Mass Destruction

Matagumpay ang Isinagawang pagsasanay kaugnay sa  Chemical, Biological, Radiological Nuclear and Weapons of Mass Destruction,  na pinangunahan ng U.S Defense Threat Reduction Agency.

27 kawani mula sa Bureau of Fire Protection Puerto Princesa ang nakilahok sa naturang aktibidad. Ang mga partisipante ay kinabibilangan ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection, City Fire Director  Chief Inspector Nilo T. Caabay Jr., Chief Operations Division Regional Level Senior Inspector Angel Lynn B. Salvador, El Nido Fire Station Municipal Fire Marshal Senior Inspector Lowell T. Dahon, at Narra Fire Station Municipal Fire Marshal Senior Inspector John Mark P. Babas.

Kasama na rin dito ang 22 mula sa Bureau of Fire Protection  Mimaropa sa pamumuno na pinangunahan ni Regional Director Chief Superintendent Damian Jalmasco Rejano Jr,  2 mula sa Special Rescue Force, at 3 mula sa Philippine National Police EOD K9.

Ang nasabing pagsasanay ay nagsimula noong Mayo 2 hanggang 13 sa Puerto Princesa.

Ayon Kay Chief Superintendent Romel Tradio, Chief Special Rescue Force, ang pagsasanay ay may layuning maitaas ang antas ng sa seguridad  sa lugar kasabay ng pag- unlad sa malakasang pagkakaisa ng samahan ng mga ahensya.

Exit mobile version