BJMP, nagsagawa ng Basic Literacy Program sa PDL

Matagumpay na naisagawa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Basic Literacy Program para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) na walang kakayahan na magsulat at magbasa sa tulong na rin ng Bureau of Jail Management and Penology Puerto Princesa City Jail ALS/Education Officers sa ilalim ng Welfare and Development Unit.

Layunin ng programang ito, sa kabila ng patuloy na pandemya, na hindi magiging hadlang sa isang PDL ang matutong magbasa at magsulat.

Samantala nag-abot din ng tulong ang mga kawani ng BJMP sa ilang pamilya ng PDL at binigyang-pagkakataon na magkausap sa pamamagitan ng Video Call. Emosyonal naman ang ilang pamilya ng PDL matapos makausap ang kanilang  kaanak sa loob ng piitan.

Exit mobile version