BM Maminta, hiniling na maimbitahan ang pamunuan ng AFP Western Command sa executive session ng sangguniang panglalawigan

Photo Credits to 44th Sangguniang Panlalawigan - Palawan

Upang tuluyan nang matuldukan sa kabila ng opisyal na pahayag mula sa mga ahensiya ng pamahalaan mariin pa ring hiniling ni Board Member Ryan D. Maminta ng Sangguniang Panglalawigan ng Palawan na maimbitahan sa isang executive session [closed door] conference ang pamunuan ng Western Command.

 

Gayunman nauna nang pinasalamatan ni Board Member Maminta ang Western Command dahil sa nakalipas na pagdalo nito sa ipinatawag nilang pulong nitong nakalipas na Disyembre bago magtapos ang taong 2022.

 

Sa kabila nito, sinabi ni Board Member Maminta na inaasahang muli silang papaunlakan upang maisulong na rin ang mga nabimbing katanungan ng ilang mga lokal na mambabatas nitong nakalipas na Disyembre 2022 nang unang makaugnayan ng konseho ang pamunuan ng Western command.

 

Sa kanyang talumpati sinabi ni Board Member Maminta, “the whole gamut [the complete range or scope of something] of peace and security in the whole province be updated by Western Command, in the next regular session.”

 

Makaraan ang ilang saglit na suspension ng sesyon dulot ng ilang paglilinaw ng mga miyembro ng konseho hinggil sa kahilingang naturan ni Maminta nagkaisa sa dakong huli ang mga lokal na mambabatas ng lalawigan.

 

Sa pamamagitan ng pahayag ni Board Member Roselier Pineda, sinabi nito na hindi lamang sa partikular na isyu ang marapat na bigyang linaw ng Western Command bagkus ay ang mga topikong hinggil sa insurhensiya, pondo ng ELCAC Palawan at iba pang kahalintulad na isyu.

 

Bilang pangwakas nais ni Board Member Maminta na idagdag din sa gagawing imbitasyon sa pamunuan ng Western Command ang isyu hinggil sa peace and security ng buong lalawigan ng Palawan.

Exit mobile version