Hinamon ng Provincial Government ang kampo ng ‘No’ partikular na ang grupo ng One Palawan Movement na mangampanya sa mga munisipyo at hindi umano dahilan ang paghihigpit sa mga biyahe sa Lungsod ng Puerto Princesa papunta at pabalik sa mga munisipyo.
“Huwag silang matakot kung talaga gusto nila mangampanya pumunta sila dito sa Oriental, sa Sur at Del Norte kung wala naman silang COVID welcome sila. Ang problema kung may COVID ka alangan naman patuluyin natin…kung doon sa checkpoint, 40 na ang body temperature mo,” pahayag ni Winston Arzaga, Palawan Provincial Information Officer.
Inilabas umano ang Memorandum 42 ni Governor Jose Chaves Alvarez para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa banta ng COVID-19 para hindi makapasok sa mga munisipyo at walang kinalaman umano dito ang nalalapit na botohan sa plebisito.
“We do all of this are protection against the spread of Corona virus, incidental lang na may plebisito ngayon but yung pinakaimportante…is to prevent the spread of COVID-19, kasi Palawan po is only about 4 yung cases yung Puerto mataas, so kung manggagaling ka sa Puerto papasok sa sa probinsya we have to be very strict otherwise ma-contaminate yan ano ang gagawin sabihin naman nila , natutulog ang gobyerno kasi ang inaatupag puro plebisito ,”
“so walang relasyon yan sa plebisito kung talagang gustong mangampanya, be sure lang nila na nag-coordinate sila wala silang mataas na body temperature ok yun walang problema, it’s a free country,”
Hindi naman sang-ayon dito ang One Palawan Movement, kilalang grupo na kumukuntra sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya. Anila nakapagtataka na kilala ang Gobernador na hindi naniniwala sa COVID-19 pero ngayon kung saan puspusan na ang kampanya para sa plebisto at saka lang magkakaroon ng paghihigpit sa mga biyahe.
“…nakakatawa talaga, yung gobernador na hindi takot sa COVID [na sakit] eh may ganiyang patakaran. Tapos timing naman na panahon nang pangangampanya na sila ang very visible sa mga munisipyo ang 3in1 [pero] kami halos wala yung One Palawan. Tapos magkakaroon pa ng restriction yung mga taga Puerto. So parang tina-target yung pangangampanya sa mga taga Puerto. “
Halos ganito rin ang paniniwala ni Angela, botante at residente sa bayan ng Roxas na kung talagang maykaugnayan umano ito sa virus sana noon pa ay hindi na tinanggal ang paghihigpit sa mga munisipyo.
“Talagang gusto nila i-push na paraan na gusto nila [ang plebisito]…kung saan malapit na ang botohan saka pa sila naghigpit, kung ang purpose talaga nila ay para sa ikabubuti ng palawaño at para sa taga munisipyo, sana noon pa. Bakit ngayon pa kung kailan malapit na ang botohan,”
Subalit ayon naman kay Lorelei Suarez na taga Brooke’s Point, Palawan naniniwala siya na ginagawa ito para protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa mga munisipyo lalo na’t mataas ang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Puerto Princesa.“
wala kami naririnig as of now na yun ang binabanggit ng mga residente na ang dahilan ng paghihigpit ay para sa plebisito, sa ibang munisipyo lang nagsasabi na may kinalaman yan. Ako kasi naniniwala na ginagawa itong paghihigpit dahil kasi sa marami na ang kaso may COVID sa Puerto Princesa,”