Busuanga LGU, nakapamahagi na ng 1,620 na food packs sa 2 barangay na naka-lockdown

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing ng mga awtoridad sa Bayan ng Busuanga matapos magkaroon ng 1 index patient sa Barangay Maglalambay.

“Ongoing pa din ang contact tracing para sa case number 24, case number 25 atsaka yung sa 26 to 31 sa Barangay Maglalambay.” Ayon kay Jonathan Dabuit, Busuanga Municipal Information Officer.

Noong Abril 3, 2021 ay naitala ang 1 lokal na kaso sa Brgy Maglalambay at agad na nagsagawa ng contact traing.

Noong Abril 6, 2021 ay nadagdagan ng 2 positibong kaso at 6 naman noong Abril 7, 2021.

Nagkakaroon na rin ng kakulangan sa RT-PCR cartridges ang Culion Sanitarium General Hospital (CSGH) kaya’t hindi lahat ng mako-contact trace ay maisasailalim sa RT-PCR test.

“Hindi na naming alam kung hanggang saan na lang sila kasi hindi namin alam ilan pa yung available na cartridges nila para sa RT-PCR test. Mayroon kaming case na ganun mga 2 lang ata na nag-negative sa Antigen at nag-positive sa RT-PCR [at] nag-positive sa Antigen at nag-negative sa RT-PCR. Merong ganun.”

Nakapamigay naman ng 1,620 na kabuuang bilang ng mga food packs sa 2 barangay na naka-lockdown.

“Nakapamigay na tayo sa 450 food packs sa maglalambay nung Tuesday tapos kahapon nasa 1,170 sa salvacion. Tapos na lahat ng yung pamimigay muna. Mamimigay na lang ulit pero i-schedule pa kung kalian.”

Samantala, nasa 31 na ang sumatutal na bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Bayan ng Busuanga. 18 rito ay aktibong kaso, 12 recoveries at 1 ay binawian ng buhay.

Exit mobile version