Cagayancillo Police, nagsagawa ng aktibidad ukol sa COVID-19

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Cagayancillo Municipal Police Station (MPS) sa bayang kanilang nasasakupan kahapon, Mayo 11, na naglalayong magbigay-kaalaman sa mga mamamayan hinggil sa mga umiiral na batas sa bansa, ukol sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at iba pang mahahalagang topiko.

Sa press release ng Cagayancillo MPS na ibinahagi nila sa kanilang Facebook page sa nabanggit ding petsa, nakasaad na pinangunahan ni Acting Chief of Police, PLt. Norzealito Avanceña ang checkpoint operation, Oplan Sita kaugnay sa umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa buong Palawan, at ang pag-distribute ng flyers kaugnay naman sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” RA 9287 o ang “An Act Increasing the Penalties of Illegal Numbers Games,” sa ginagawang mga recruitment activity ng Communist Terrorist Group (CTGs), ukol sa National Task Force-ELCAC, crime prevention tips at gayundin sa health advisories kaugnay naman sa banta ng COVID-19.

Ang Cagayancillo ay isa sa mga island municipalities sa Probinsiya ng Palawan sa hilagang bahagi ng lalawigan.

Exit mobile version