Cagayancillo public official, kabilang sa tatlong nag positibo sa COVID-19

Inamin ni Cagayancillo Mayor Serio Tapalla na isa sa tatlong positibo sa COVID-19 ay public official sa kanilang bayan.

“Kasi local po ito eh. Ito ang nakakalungkot, kasi we don’t have to mention the name, ‘yung origin nito ay maaaring ‘yun na rin siguro kasi galing siya dito sa Puerto. He’s a public official, and then umuwi diyan sa Cagayancillo,” ani Tapalla.

Binanggit din ng alkalde na posibleng dahilan nito ay ang hindi pagsunod sa protocol at hindi umano pagsailalim sa quarantine ng opisyal.

“Hindi siya nag quarantine for 4 days, ‘yung isa lang, tapos up to 4 days nagpa-test siya, siyempre within 4 days, ‘yung period ng 4 days na ‘yun marami na siyang nakasalamuha. Tapos ‘pag testing niya positive siya….So ngayon, ‘yung contact tracer lahat ng mga na-contact niya pina-testing, so ‘yun nagpositibo ‘yung hindi lalagpas ng sampu (Rapid Diagnostic Test),” pahayag ni Tapalla.

Samantala, simula ngayong araw ay isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Cagayancillo.

“Kahit hindi pa naaprubahan ng Region ‘yung request namin, ideklara na namin na walang lalabas at walang papasok for 14 days, tapos ‘yung mga tao doon talagang iiwasan muna yung mga hindi importante,” karagdagang pahayag ni Tapalla.

Exit mobile version