CBNC at Mind Museum, nagsagawa ng scientific exhibits para sa mga estudyante sa lungsod

Upang mapalawak ang kaalaman sa siyensya ng mga estudyante sa lungsod ng Puerto Princesa, nagsagawa ang Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) katuwang ang Mind Museum ng Bonifacio Art Foundation Inc. ng isang scientific exhibits sa Ramon V. Mitra Sports Complex ngayong araw ng Martes, Hulyo 15.

Isa itong inisyatibo ng CBNC na naglalayong dalhin ang Mind Museum sa BGC, Taguig, patungong lungsod sa pamamagitan ng isang mind rover. Sa loob ng bus, maaring tumuklas ng iba’t ibang siyantipikong kaalaman ang mga mag-aaral.

Ibinahagi naman ng estudyanteng si Francine Valerie L. Magbanua ng Palawan National School, ang kaniyang mga natutuhan sa loob ng mind rover.

“More on nag-discover po talaga ako like nag libot and ‘yung mga nakita ko po d’on is ‘yung kung paano nagkakaroon ng electricity, different types of atoms, and planets. Also, nandoon din po ‘yung mga innovation.”

Nagpasalamat naman ito sa CBNC sa inisyatibong ito at pagkakataong makatuklas ng panibagong kaalaman sa agham.

“Sobrang thank you and sobrang ganda po ng idea and nagawa po nila for us kasi hindi lang po siya basta basta ano eh nagiging idea din po siya para sa aming mga estudyante,” saad ni Magbanua sa panayam sa kaniya.

Magtatagal naman ang exhibits simula ngayong araw hanggang Huwebes, Hulyo 17.
Exit mobile version