Matagumpay ang pagdiriwang ng Correctional Institution for Women-Sta. Lucia (CIW-Sta. Lucia) ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa isang makulay at makabuluhang pagdiriwang para sa Buwan ng Wika kamakailan, na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”
Layuning mapalalim pa ang kamalayan ng lahat ng mga Person Deprived of Liberty sa pag-aaral at pagmamahal sa sariling wika.
Ang pagdiriwang ay tampok ang iba’t ibang aktibidad tulad ng sabayang pagbigkas, tula, at palarong Pinoy na layuning itaas ang kamalayan at kakayahan ng mga kababaihan na Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Ang mga aktibidad na ito ay pinangunahan ni CTSO3 Carina M. Espora, Acting Deputy Supervisor for Reformation. Ang okasyong ito ay nagbigay-daan upang maipakita ang mga talento ng mga PDLs.
Sa ilalim ng pamumuno ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang JR., AFP (Ret.) CESE, CCLH, at sa buong suporta ng IPPF Superintendent C/CINSP Garry A. Garcia, RCrim, MSCA, patuloy na binibigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at kultura sa proseso ng repormasyon at reintegrasyon ng mga PDLs sa lipunan.