Inamin ng Commission on Election na nahihirapan ang kanilang tanggapan na ipaalam sa mga botante kung saang presinto sila boboto kaugnay ng parating na plebisito para sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya.
“Isa yun sa mga challenge ng COMELEC, especially sa mga election officers natin, na iparating sa lahat ng mga botante within their municipality kung ano ang presinto niya at saan ang presinto niya…” Ayon kay COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr.
Dagdag pa nito na ipinaskil na ang listahan ng mga botante sa bawat barangay upang ipagbigay alam sa kanila kung saang ‘polling booth’ pupunta sa araw ng botohan.
“That’s the precise reason na nag-post na tayo ng mga list of voters sa bawat barangay. So ang mga election officers natin ngayon [ay] part ng information campaign dessimination [to] inform itong mga botante na ito either directly or through their barangay officials na ito yung mga presinto ninyo, ito yung mga voting centers ninyo.”
paniguro nito, mayroon ding ‘voters’ assistance desk’ sa mga eskwelahan na magsisilbing voting centers sa araw ng plebisito.
“And even then on plebiscite day, kung hindi nila alam yung presinto nila, kung makapunta sila sa eskwelahan kung saan yung barangay nila iga-guide pa rin sila kung saan silang polling places kasi mayroon tayong voters assistance desk.”
Sa kasalukuyan ay patuloy na isinasagawa ng COMELEC ang ‘voter information campaign’ at asahan din umano na magtutuloy-tuloy ito hanggang sa araw ng plebisito.