Dead upon arrival sa pagamutan ang driver ng tricycle matapos na maaksidente at sugatan naman ang angkas nito sa may kahabaan ng national highway, Brgy. Pasadena, El Nido, Palawan 8:30 kagabi, December 10.
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, kinilala ang driver na si Narciso Nunez Dorone, 51 anyos, Binata, construction worker, residente ng Sitio Bararing, Brgy. Pasadena at ang angkas nito na si Rowel Gimao, 40 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng El Nido MPS, binabagtas ang national highway ng Brgy. Pasadena papuntang south dahil pakurbada ang kalsada ay dito na naaksidente ang tricycle dahilan upang magtamo ng pinsala sa katawan ang driver.