Dahil umano sa galit, negosyante sa Bayan ng Jose Rizal, tinangkang patayin

Isang insidente ng pamumupok at tangkang pagpatay ang ipinaabot sa pulisya ng isang businessman sa Bayan ng Jose Rizal.

Kinilala ang biktima na si Vincent Angelo delos Reyes Ramos, 36 ayos, my ka-live-in partner at residente ng Purok Base, Brgy. Punta Baja, Rizal, Palawan habang ang mga suspek ay sina  Frederick “Erick” Genotiva Lamberte, 42 taong gulang at Marvin Fidel Quijada, 38, parehong may asawa at mga residente rin ng nasabing barangay.

Sa spot report ng Palawan PPO, nakasaad na dakong 8 am kahapon, Agosto 17, 2020 nang iulat ng biktima sa Rizal MPS na pinukpok siya at tinangkang patayin ng pinangalanan niyang mga suspek. Nagbunsod naman ito ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya.

Lumbas sa ginawang imbestigasyon ng PNP na bandang 9 pm noong August 2, 2020 nang tinawag ni Frederick Lamberte ang biktima at lumabas naman siya ng kanilang tahanan. Pagkatapos umano nito ay bigla na lamang siyang sinuntok ni Lamberte habang pinukpok naman siya ng bato ni Marvin Quijada na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lupa.

Sa kabutihang-palad ay agad na nakita ng  kinakasama ng biktima ang insidente at agad na humingi saklolo habang ang mga suspek naman ay agarang tumakas.

Isinugod ang biktima sa Rizal District Hospital upang maipagamot. Napag-alaman ng mga kinauukulan na galit ang naging motibo ng insidente.

Exit mobile version