Dalawang ahente ng Peryahan ng Bayan, arestado

Arestado ng mga awtoridad sa dalawang munisipyo sa Palawan ang dalawang ahente ng Peryahan ng Bayan nitong ika-22 ng Mayo.

Naaresto ang isang ahente sa bayan ng Bataraza na kinilala na si Benmax Bayatan Dualdin, 25 anyos, at residente ng Barangay Mainit, Brooke’s Point.

Ayon sa Bataraza PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na may nagpapalaro ng illegal number games sa lugar, at agad nila itong pinuntahan naaktuhan ang ahente nagpapalaro at hinuli. Nakuha sa kanya ang portable receipt printer, bet money at iba pang paraphernalia.

Samantala, sa bayan ng Brooke’s Point isang ahente din ng peryahan ng bayan ang inaresto ng mga awtoridad.

Kinilala ang suspek na si Jayson Laurencio Fabian, 31 anyos, residente sa Sitio Suring II, Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan, at nakuha sa kanya ang isang wireless data POS system, at bet money.

Ang operasyon na ito ay ginawa ng pulisya alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatagil ang operasyon ng Peryahan ng Bayan at maaring arestuhin ang sangkot dito.

Exit mobile version