Election Summit sa Marso 2023, paksa ang internet voting

Photo Credits to PIA Palawan

Itinuturing na isang mahalagang topiko sa gaganaping “Election Summit” ngayong Marso 8-10, 2023 ay ang patungkol sa “internet voting” na kung saan kasama na rito ang mga security measures na ipatutupad nainaasahang mailalatag sa 2025.

 

Ang Commission on Elections ay bumuo at nagsagawa ng mga talakayan na kung saan sa pamamagitan ng Focus Group Discussions (FGD) nagkakaroon ng pagkakataon ng pagpupulong ang mga civil society organizations upang pag-usapan ang ibat-ibang isyu katulad ng pagsusumite ng mga Statement of Contributions and Expenditures (SOCE), kung papaano ito mapapabilis, mapapaganda at maisasaayos, at marami pang iba.

 

Layunin ng gaganaping summit ang makalap ang mga paborableng suhestiyon mula sa mga Civil Society Organization (CSOs), mga stakeholders, at citizens arms na diyang dadalo sa aktibidad sa pamamagitan ng public consultation upang mapaganda pa ang eleksiyon lalong-lalo na ang darating na midterm election.

 

Ilan sa pag-uusapan sa summit ay ang Blockchain Technology at ang paggamit ng digital signature o digital signing electronic transmission na nakasaad sa RA 9369 na nauna nang nagamit ang digital signing noong 2022 Elections sa NCR, Davao at Cebu samantalang pag- uusapan ito kung marapat nang ipatupad sa buong bansa sa 2025.

 

Bukod dito, magkakaroon ng debate na lalahukan ng mga law students sa bansa at pangangasiwaan ng Legal Education Board ng COMELEC sa Pebrero 20-24, na ang pangunahing paksa ay hinggil sa kung alin ang mas maganda ang automated Election o ang Hybrid Election.

 

Matatandaan na ang usaping tungkol sa Hybrid Election System ay pinagtatalakayang mga panukala na sa Kongreso ngayon.

 

Ang pre-summit activities ay nagsimula noong nakalipas na Oktubre 2022.

 

Isa sa mga nauna nang pinag-uusapan ang tungkol sa teknolohiya, katulad nang kailangan na bang ipatupad ang internet voting sa National and Local Elections?

 

Sa kasalukuyan si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Nelson J. Celis, Commissioner In-Charge ng Election Summit.

 

Sa ipinalabas na pahayag ni Commissioner Celis, “Sabi ng iba, siguro simulan muna natin sa maliit kasi kakaunti lang naman ang overseas natin katulad nitong nakaraang elections may 1.6 absentee voters tayo pero ang nakaboto nasa 40% lang, mga 600 (thousand) lang, so maliit lang. Sa aming napag-usapan, siguro puwede na po nating simulan ang internet voting sa overseas absentee voting. ‘Yon ang naging focus ng mga discussion namin with the civil society organization at itong ating mga nagpaparticipate ay very open naman.”

Source: PIA palawan

Exit mobile version