Gov. Alvarez, hindi makikialam sa recall petition ng ilang Opisyal sa Narra

Sa isinagawang Pakimanan ta si Gob, umaga ng Disyembre 22, inihayag ni Governor Jose Chavez Alvarez na hindi niya pakikialaman ang recall petition at maging ang recall election sa bayan ng Narra kung sakaling ito’y maisasakatuparan.

“Ako makialam? Bakit ako makialam sa Narra?… Wala akong pakialam. Hayaan mo yung electorate ng Narra [na] i-recall nila si Lumba… Go ahead ‘yan [because] I encourage everyone to exercise their constitutional right.” “ ani Alvarez.

Sa personal na pananaw naman ni Governor Alvarez ay hindi magtatagumpay ang ninanais na recall election ng ilang Opisyales sa Bayan ng Narra, kasama rito si Acting Mayor Crispin Lumba Jr., dahil sa mahabang panahon na kakailanganin sa pagproseso ng kanilang petisyon.

“Sa tingin ko, because October filling [of Certificate Of Candidacy para sa nalalapit na election] is just in the horizon, hindi na aabot ‘yan… If you ask me, go ahead ako dyan sa recall [kasi] wala namang problema ‘yan eh… It will not succeed [base ito sa] personal [na opinyon] ah,” pahayag ng Gobernador.

Binigyang diin naman ng Gobernador na kung makikialaman siya ay hindi matutuloy ang recall election at kahit na hindi siya makialam ay malabo nang maisakatuparan dahil sa nalalapit ng election.

“Kung gusto ko pakialaman ‘yan hindi matutuloy ‘yan [recall election]. Maski hindi ako makialam [ay] mukhang hindi na matutuloy yan [dahil] wala ng oras eh… To verify signatures alone, alam mo [inaabot ng] ilang buwan ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

Exit mobile version