Hindi pa nakukha na allowance ng mga senior, pwd at barangay tanod, maari pang i-claim!

Isang mahalagang paalala para sa mga benepisyaryo ng Senior Citizen, PWD, at Barangay Tanod sa lungsod! Simula ngayong Lunes, Marso 10, hanggang Biyernes, Marso 14, may pagkakataon pang makuha ang inyong unclaimed allowances.
Narito kung saan ito maaaring i-claim:
Para sa Senior Citizen at Barangay Tanod: Pumunta sa City Mayor’s Office, 4th Floor, New Green City Hall Building, Brgy. Sta. Monica, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM.
Para sa PWD: Bisitahin ang PDAO Office sa Old City Hall Building, Brgy. Sta. Monica mula Marso 10 hanggang Marso 12.
PAALALA: Siguraduhing magdala ng valid ID bilang patunay na kayo ay rehistradong benepisyaryo.
Ito ay bahagi ng Mapagkalingang Programa ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Lucilo R. Bayron, upang masiguro na matatanggap ng lahat ng benepisyaryo ang kanilang nararapat na allowance.
Huwag sayangin ang pagkakataon—kunin na ang inyong allowance bago ang deadline!
Exit mobile version