Nasa maayos na lagay na ang isang Asian Palm Civet o Musang matapos itong isinauli sa Palawan Council for Sustainable and Development (PCSD) ng mga kabataang mag aaral na sina Earl Jezreel Masagca, Albert Calalin, at Alciena Alpad. Kasama nila ang kanilang propesor sa Zoology na si Ms. Jean Marie Diego.
Ayon sa PCSD, kahapon ng Miyerkules, Marso 29, ng iturn-over sa kanila ang musang.
Ayon kay Masagca, nakarinig umano sila ng kaluskos sa kusina ng kanilang boarding house bandang 9PM ng gabi. Nang kanilang tingnan, nakita nila ang musang na kasama ng isang pusa.
Ipinagbigay alam naman nila ito sa kanilang Zoology professor na si Diego. Agad naman itong nagtungo sa kanilang tahanan. Katulong ng kanyang boardmate na si Albert, matagumpay nilang nahuli ang nasabing musang at isinurender sa tanggapan ng PCSD.