Sa loob ng isang linggo, patuloy na nawawala ang mangingisda na si Rhon Fransisco Cayon mula nang pumalaot sa Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan noong kasagsagan ng nagdaang LPA, Disyembre 19.
Ang orihinal na plano ay dalawang araw lamang ang magiging paglagi nito sa karagatan, ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring balita hinggil sa kanyang kinaroroonan.
Ang pamilya at mga kaibigan ni Cayon ay nagsimula ng mangangamba at mag-aalala. Nanawagan sila sa publiko na magbigay ng impormasyon kung may nakakita sa kanilang kaanak o kung sinoman ang may kaalaman ukol sa kanyang pagkawala.
Hinling din ng mga ito ang kooperasyon ng lahat para sa agarang pagahanap sa kalagayan ng kanilang kamag-anak.
Para sa anumang impormasyon ukol kay Rhon Frans Cayon, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang pamilya sa numerong ito: 09708102446.
Ang mga awtoridad ay kasalukuyan na ring nagsasagawa ng mga hakbang upang mahanap ang kanyang kinaroroonan.