Kinumpirma ni Taytay Mayor Romy Salvame na gumaling na ang isa nilang kababayan na una nang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa alkalde, nakauwi na ito sa kanilang bahay at kasama nang muli ang kanyang pamilya matapos i-release mula sa quarantine facility ng kanilang bayan.
Sa kasalukuyan, masasabi anyang COVID-free na uli ang kanilang bayan.
“Zero-COVID na kami kasi ‘yong isang pasyente namin dito ay nakauwi narin matapos siyang gumaling. ‘Yong mga rapid test ay hindi naman namin kino-consider ‘yan unless ma-swab test sila dahil nagkakamali naman ‘yon [RDT]. Marami din kasing nangyayari na positive sa rapid test pero pag nag-swab test, negative naman kaya mahirap po na nagsasalita na hindi pa confirmed,” ani Mayor Salvame.
Samantala, dahil sa kumpirmasyong ito ni Mayor Salvame, mayroon nang 15 COVID-19 recoveries ang lalawigan ng Palawan habang siyam naman sa lungsod at isa ang naunang kaso na Australian National na may kabuoang bilang na 25.