Kampo ni Danao hinihintay na lang ang resulta ng apela sa Office of the President

Ayon sa panayam ng Palawan Daily News sa spokesperson ni Suspended Mayor Gerandy Danao na si Jojo Gastanes kahapon, Disyembre 2, ang apela ng kampo nila ay nakarating na sa Office of the President at kasalukayng naghihintay na lamang ang kampo ng desisyon kapag natapos na ma-review ito ng Malacañang.

“…yung appeal [ay nandoon na] sa Office of the President noon pang October 20. November 20 noh yung Memorandum of Appeal at nandoon na yun ngayon sa Malacañang. At, I think, magrereview sila or under the rule na given 15 days yung complainant, [na] silang mga abogado ni Vice Mayor Lumba, para sagutin yung Memorandum of Appeal,” ani Gastanes.

Wala rin daw umanong eksaktong petsa ilalabas ang resulta ng apela ng kampo ng suspendidong Mayor ng Narra.

“Wala pong definite time. Wala namang nakalagay sa rule kung ilang days nila desisyunan [yung apela] kundi basta’t matapos nila yung review na magde-decide sila. Pero pwedeng next week, pwedeng this December or pwedeng January pero ‘di na ‘yan lalagpas ng January,” dagdag nito.

Pinaparating naman ni Gastanes ang mensahe ni Suspended Mayor Danao sa kaniyang supporters na maghintay na lamang sa magiging resulta ng pag-usisa ng Malacañang sa apela ng nasabing kampo.

“Sa mga supporter po ni Mayor Danao ay maghintay lang po at manalangin tayo na ano man po ang maging resulta ng review ng Malacañang ay tatanggapin ni Mayor Danao, ano man yung maging kanilang desisyon. And, of course, sa mga naka-upo [sa pwesto] ngayon diyan sa Bayan ng Narra ay panawagan niya rin na sana paigtingin pa ang peace and order na hindi na masundan pa yung ilang pangyayari sa Bayan ng Narra na magkaroon ng takot at pangamba sa ating mga kababayan. Manatili tayong manalangin na lalo na’t ulit next year mayroong plebisitong parating. At sana yung tamang kampanya lang ng bawat isa na hindi magkaroon ng personalan. At…malapit na ang Christmas eh magmahalan muna tayo [at] magkaisa. Basta ang importante [ay] atleast maging masaya [tayo] sa ating mga pamilya,” dagdag na pahayag ni Gastanes.

Exit mobile version