Wala nang kawala sa mga awtoridad ang isang lalaki matapos maaresto ito sa Sitio San Dionisio, Brgy. Malcampo, bayan ng Roxas Palawan noong Setyembre 11, ganap na 10:00 ng umaga.
Sa ulat ng Roxas MPS, bandang 1:50 ng hapon nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente sa Purok Zambales, Barangay 3, na mayroon pang aabuso at pagbabanta sa mga biktima.
Bilang tugon, nag-dispatch ng mga tauhan ang istasyon kasama ang mga miyembro ng MSWDO upang tukuyin ang nasabing ulat at isagawa ang operasyong pangkaligtasan para sa mga biktima ng insidenteng iyon.
Pagdating sa lugar ng insidente, kaagad napansin ng mga kinauukulan ang baril na nakabitin malapit sa kinaroroonan ng suspek na natutulog.
Sa imbestigasyon, inabuso at tinutukan, pinagbantaan ang mga pamangkin nito. Nakilala ang suspek na si Fortunato Albao Torecampo Jr., lalaki, 35 anyos, negosyante,, at residente ng Brgy. Malcampo, Roxas, Palawan.
Nakilala ang suspek bilang si Fortunato Albao Torecampo Jr., lalaki, 35 taong gulang, single, may sariling negosyo, at residente ng Brgy. Malcampo, Roxas, Palawan.
Nakumpiska mula sa pag-aari, kontrol, at pangangalaga ng suspek ang mga sumusunod na item:
a. Isang (1) air gun na may bala
b. Isang (1) improbisadong 12-gauge shotgun
c. Isang (1) improbisadong pellet holder na may 20 pellets.
Ang suspek at ang mga natagpuang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Roxas MPS para sa tamang pagtugon na naharap sa kasong Paglabag sa RA 10591.