Lalaki, natagpuan patay sa El Nido

Natagpuang patay ng Philippine Coast Guard-El Nido ang isang lalaki na kinilala na si Rodel Albo Mineng, 39 anyos, binata, residente ng Zone 1, Brgy Bucana, El Nido, Palawan.

Ayon sa ulat ng El Nido MPS, ganap na 9:50 ng umaga ika-12 ng Disyembre ng makatanggap sila ng tawag mula sa PCG kaugnay sa nakitang bangkay na palutang-lutang sa bahagi ng West Lalutaya, Brgy Bucana, El Nido, Palawan.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, ika-9 ng Disyembre kasama ng biktima ang pinsan nito pumunta sa Sitio Diapila, Brgy. Teneguiban, ngunit makaraan ang araw ay hindi na bumalik ang biktima sa bahay nito.

Samantala, sasailalim sa post-mortem examination ang bangkay.

Exit mobile version