Dead on the spot ang 32-anyos na lalaki matapos na mabangga ng FUSO Canter Truck sa Barangay Bato, Taytay ganap na 9:00AM, Oktobre 29.
Kinilala ang biktima na si Alfie Tacob Pontimayor, laborer at residente sa Brgy Tumarbong, Taytay.
Habang ang nakabangga ang kinilala na si Bruno Villacura Saban, 49 anyos, binata, truck driver, residente sa Brgy. Maunlad Puerto Princesa City.
Sa imbestigasyon ng Pulisya, tumawid ang biktima sa kalsada ng bigla itong mabangga ng Canter Truck at nagpagulong-gulong na nagtamo ng pinsala sa ulo.
Agad naman ito na dinala ng Rescue 165 Taytay sa Northern Palawan Provincial Hospital ngunit idineklara ng attending physician na ito ay patay na.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng PNP na tinakbuhan ito ng nakasagasa ngunit nakakita sa aksidente na siyang naging witness na kong saan nagsagawa ng hot pursuit operation ang Taytay PNP.
Nadakip ang suspek sa Barangay Abongan na maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.