Lalaki, tinaga sa bayan ng Taytay, Palawan

Sugatan ang isang lalaki matapos tagain sa kanyang sariling tahanan sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan bandang bandang 8:00 AM ng Hunyo 2, 2023.
Kinilala ang biktima bilang si Jose Sabarios Erederos, 46-anyos, may-asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.
Habang ang suspek naman ay kinilalang si Allan Isuan Poquiz, 43-anyos, may-asawa at residente rin ng kaparehong barangay.
Sa imbestigasyon, natuklasan na pumunta ang suspek sa tahanan ng biktima, armado umano ng isang itak at tinaga nito ng paulit-ulit ang biktima sa hindi pa nalalamang dahilan.
Nagkaroon ng sugat ang biktima sa katawan at kanyang ulo at dinala sa Northern Palawan Provincial Hospital para sa medikal na paggamot.
Pagkatapos ng ilang oras, isinugod ang biktima sa Ospital ng Palawan, Puerto Princesa City, Palawan, para sa tamang pag-aalaga. Ang suspek ay boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng Taytay MPS at kasalukuyang nasa kustodiya para sa mas pinaigting na imbestigasyon at tamang paglutas ng kaso.
Exit mobile version