Matagumpay na ginanap ang Marine Aviation Support Activity (MASA) Exercise 2023 ng joint 3rd Brigade Marine sa pangunguna ni BGEN Antonio Mangoroban Jr. Commander PN(M) at COL Brendan Sullivan Commander 1st Marine Regimen Marine Rotational Force Darwin, at LTCOL Clinton Hall, Commander 2d Battalion, 5th Marine Regiment, US Marine Corps sa Tarampitao, sa Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan.
Ang MASA 2023 ay bahagi ng bilaterally approved PH-US mutual defense board security engagement board activity list para sa CY 2023 na layunin na palakasin ang kakayahan ng Philippine Navy at United States Marine Corps Forces Pacific.
Ang MASA exercise ay nagbibigay ng isang daynamikong plataporma para sa PMC at ang kanilang mga kasamahan mula sa Estados Unidos upang palalimin ang interoperability, lutasin ang operasyonal na mga taktika, at patatagin ang kanilang kakayahan na maipatupad nang epektibo ang mga kombinadong misyon.