Sa ginanap na privilege hour sa regular session ngayong Martes, Abril 18, ng Sangguniang Panlalawigan, isinusulong ni Board Member Nieves Rosento ang pagpapalawig ng turismo sa buong lalawigan sa pamamagitan ng isang master plan.
Ayon kay Rosento, napapanahon na upang ang lahat ng munisipyo ay makikinabang sa turismo lalo na’t ang buong lalawigan ay masasabing isang tourist destination, lalo na ang mga bayan ng El Nido, Coron at San Vicente maging ang bayan ng Araceli Dumaran na nararapat ng makilala.
“Nakikita natin ngayon na masyado ng maraming turista ang dumarating at open naman tayo sa mga nagiging problema sa tourism so nais natin magawan ng immediate solution. Nakikita natin ang tourism plan sa Palawan ay napakahalaga, even that we have already before updated na so I think ‘yung mga pinu-propose nating tourism plan ay magdadala sa atin,” ani Rosento.
“Even calling also the national government to focus on the development plan on tourism in Palawan especially on the infrastructure, the port, the airport, tourism support facilities, even maging handa din tayo bilang mga local Palaweño,” dagdag niya.
Kaakibat din nito na bigyan ng priority ang paghahanap buhay ng mga Palaweño, at ang paghahanda ng local tourism players.
Dagdag pa ng bokal ay dapat naring maisama o maisagaw ang mga local incentive mechanism na puwedeng ialok sa mga investors.
Makakatulong din sa pagpapalakas ang mga investors sa lalawigan ng Palawan oras na mabuo ang master plan. Naniniwala ang bokal na malaking tulong naman sa ekonomiya ng Palawan lalo’t kalimitang dagsa ang lalawigan ng mga turista.