MBLT-7 mula Tawi Tawi, parating na sa Palawan

Matapos dumating ang puwersa ng Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT-9) sa Palawan kamakailan, ay ipinadala na rin ng Philippine Marine Corps kahapon, Hunyo 25, ang MLBT-7 mula sa Tawi-Tawi na inaasahang lalapag sa lalawogan sa Hunyo 29.
Ang MBLT-7 ay isa sa mga pinakasubok na battalion at may pinakamalawak na karanasan sa mga operasyon sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at pagresponde sa sakuna. Ito ay papalit sa MBLT-4 na susunod sa isang programa ng pag-eensayo at pagsasaayos.
Binati ni Major General Arturo G. Rojas PN(M), Commandant ng Philippine Marine Corps, ang MBLT-7 para sa kanilang mga pagsisikap sa Tawi-Tawi at ipinaalala sa kanila na gawin ang parehong pagsisikap sa Palawan.
“Hinihiling ko sa inyo na tiyakin ang mataas na kahandaan ng ating mga yunit. Tandaan na inaasahan tayo ng bansa sa panahon ng krisis. Ang mga Marine ay maaasahan bilang ang pinakahandaing puwersa para sa mga tao. Kinakailangan nating maging ang pinakahandaing puwersa ng AFP habang pinapangarap nating maging isang puwersang handang tumugon sa krisis na may pinakamataas na kahandaan,” ani Rojas.
“Our Marines look good. I couldn’t be any prouder,” dagdag niya.
Ang MBLT-7 ay nasa ilalim ng area ng operasyon ng 3rd Marine Brigade.
Exit mobile version