Mga batang may kapansanan, pinagkalooban ng feeding at gift-giving program sa puerto princesa

Mahigit limampung (50) na mga batang Persons with Disabilities (PWD) sa Palawan, ang nabiyayaan ng feeding at gift giving program na isinagawa noong Oktubre 25, 2024, sa SM City Mall.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Kiwanis Club of Puerto Princesa, sa pamumuno ni Arch. Arnel Timbancaya, at ng Armed Forces of the Philippines Dental Chapter, sa pangunguna ni Colonel Edgar O. Gonzales.

Dinaluhan naman ito Rhea-Regina S. Escarcha, na nagbigay ng mensahe para sa lahat lalo na ang mga kabataang PWD.
Nagpakitang-gilas naman ang ilang mga kabataan ng pagkanta at pagsayaw sa mga dumalo at nanood.
Exit mobile version